Ortonito Utotino

Mga Kwentong Utot at Iba Pang Hindi na Kailangang Malaman...

Tuesday, July 18, 2006

Isyu

parang tinamad ako bigla. hindi ko naman alam bakit. mabuti at maganda pa rin ang estado ko sa paaralan. ngunit, dahil iilan lang ang mga aralin ko ngayon, sa susunod na termino, tiyak mawawalan na ako ng oras. sana, kung mabigyang pagkakataon na makakuha ng mas maraming aralin.

maraming pangyayaring hindi ko nasubaybayan, ayaw ko na rin makialam. wala namang naidudulot na maganda, tumatagal lang ako lalo sa aking mga gawain.

gabi gabi. tila umaga na ako nakakatulog. hindi ko alam bakit. sana makapasok ako bukas ng maaga.

wala akong masulat.

Friday, March 24, 2006

Ang Ten-Sebentin. Bow.

hanggang ngayon hindi pa rin nalulunasan ang palaisipan ng proklamasyon ni Gloria. sabi ni Gloria, ginawa niya kasi nanganganib ang demokrasya ng Pilipinas. sabi ng oposisyon, kalokohan, nagmamartsa lamang kami dahil gusto namin ipagdiwang ang unang rebolusyon sa EDSA. nakakatawa lang rin isipin na ginawa niya na mag proklama ng ganoon na lang.

tapos niyan may mga nahataw ng batuta sa telebisyon. mayroon pang mga kinuhaan ng susi ng dyip tapos binulsa. ano yon? 'power trip'? 'haha! akin na dyip mo!' ang kalokohan naman kasi ng mga pulis na to parang sobrang tigang na makakalabit ng baril, eh hindi magawa kaya hinataw ng batuta sa katawan. hindi pa nakuntento, gusto pa ng kotse. ang lupit.

bigla akong natakot sa nakita ko. sa totoo lang. sobrang hindi na ako mapalagay pag nakakakita ako ng mga pulis. at pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. mga pulis sa Pilipinas, parang mga holdaper na nakapustura. 'One way ka. titiketan kita.' tapos pag naabutan mo ng pang merienda, 'sige bossing, ingat ingat lang a. ngiti naman dyan.' parang isang malaking sindikato na ang pangalan ay "Republika ng Pilipinas." bakit?! eh kahit bumbero ng gobryerno gagawin sa iyo yan e. pustahan tayo.

ang galing talaga ng mga pulitiko natin. mas mataas pa sila sa batas. eh kung mag pulitiko nalang rin kaya ako. mas marami akong makukuha, hindi ba? hmm.. kahit hindi rin naman magagandang asal ang mapupulot ko, MARAMI PA RIN AKONG MAKUKUHA.

diyaan pa lang sa lehislatura lantaran na ang mga naghihilaan pababa. tapos sasabihin ng mga pulitikong yan e kailangan natin magkaisa para umunlad ang bansa. eh kung kayo kaya ang mauna? napaghahalataan na ang dami ninyong mga sariling motibo. may mga pinapaiyak pa, ano ba yan? dapat kasi, linawin niyo nalang yang mga isyung yan pag wala na kayong pwesto sa senado. mga sariling problema niyo ginagawa ninyong problema ng bayan. ang labo niyo rin no?

yun nga, sabi ng guro namin, kahit anong oras daw pwede magtawag ng 'Martial Law' ang pangulo, kahit anong mangyari. kaya, magpakabait. ibaba man natin si Gloria, wala na tayong ipapalit sa kanya. kahit di ko na masikmura yung nunal niya sa mukha, wala na rin akong maisip na ibang papalit sa puwesto niya.

ang sama talaga ng mundo. eh. idasal nalang natin ito. kung aktibista ka, baka may magawa ka pa sa sitwasyon. eh hindi naman ako ganoon. gusto ko lang aminin na nila sa lahat sila ay may pagkukulang sa mamayan na kanilang dapat na pinapangalagaan. kasi ba naman, pano mo tutulungan, kung hindi mo talaga alam kung ano kung talagang pinoproblema?

hay.....

Monday, February 13, 2006

Bakit Lumalabas nang may Baon na Goma?

hindi naman sa sinasadya, pero isang gabi, napanood ako ng MTV.
'dating' daw iyon, parang isang paggaya sa isang 'dating show' sa U.S.
o sige, eh di napanood ako. ewan ko ba bakit may isang adviser yung lalaki sa kanyang panliligaw o balak na panliligaw sa isang babae.
sabihin ba naman sa kanya na huwag kaligtaang magbaon ng goma.

ako, parang nainis na natawa. bakit ka magdadala ng goma sa date? ganun na ba agad ang hangarin. eh paano kung nagkataon nga e, pareho kayong tinamaan ng mga init sa katawan.
eh di walang atrasan na, walang takot na kasi 'protektado' ka na.
medyo malabo naman ata yung ganoong pag-iisip.

sa pagdadala ng goma. parang tinukso mo na rin ang iyong sarili. hindi ba?
aanhin mo pa ba ang goma sa isang date? syempre may hangarin kang gamitin iyon.
eh paano kung hindi natuloy? gagawa ka nalang ng lobo para malibang ka?
hinde! malamang maghahanap ka ng paraan para magamit iyong dala mo na goma.

kahit sabihin ba naman natin na hindi na tayo 'conservative', parang hindi na ata angkop kapag ang goma ang dinadala sa 'date'.
unang una, ano ba ang layunin ng isang 'date?' malayo pa naman sa pakikipagtalik yun, hindi ba?
ang 'date' ay 'date', ang 'sex' ay 'sex'. magkaiba.
anak ng gulay naman, tapos susunod tayo sa pagiging liberal, kaya nga nagka AIDS, kasi masyadong liberal na ang mga tao.

kahit may goma ka pa, hindi pa rin sigurado na malinis ka. hindi pa rin sigurado na walang semilyang makakadaan.
tayo rin gagawa ng problema natin e, tapos 'practice safe sex' daw, eh sa 'safe sex' maraming naaaksidente.
tapos pag naaksidente nag iiyakan, ayan, dami na tuloy mga ama't inang hindi pa sana.

kasi hindi rin puwede ang pagiging pasaway na anak minsan, ganoon rin ang pagiging kunsintidor ng mga magulang.
lahat naman ay may pagkakamali, kaya kailangan natin ng gabay, upang malaman ang tama sa mali.
mas maganda siguro kung hindi na nagdadala ng goma sa date. mas may takot pa ang mga tao sa kung anong pwedeng maging masamang resulta sa hindi mapigilang panggigigil.

Sunday, February 12, 2006

Bagong Taon.. kaso Pebrero na.

masyadong magulo na ang panahon ngayon.
biruin mo ba naman. may namamatay pa sa mga stampede.
ano nga ba talaga ang problema bakit hindi umuunlad ang mga pilipino?

ang labo lang. siguro tulad ko rin sila. mga tamad. na pakiramdam nila lahat maibibigay sa kanila.
o baka naman masyado na silang kuntento sa buhay nila.
kungsabagay, pag mas marami kang pera, mas marami kang problema.

yun ang sabi nila. pero oo nga, nagiging alipin na tayo ng mga luho natin.
kaya naman natin kahit walang mga luho eh, hindi ba?
dito napapatunayan na ang mga tao ngayon, maging pilipino man o hindi, ay likas na tamad.

isipin mo. aanhin pa ang mga "word processing software" kung kaya naman natin isulat?
sa totoo lang, ang hirap hirap pantay-pantayin ang mga sulat sa kokomban.
isa pa eh yung, para daw mas maganda pag naipakita sa guro.
eh pati sila tatamad tamad rin e. ayaw na nila intindihin ang mga sinusulat natin.

lagi tayong nabubulag sa pera. pag matukso tayo ng malaking halaga, tiyak na kakagat tayo.
kahit hindi mo tanggapin ang ganitong katotohanan, kahit anong di mo kailangan, basta malagay ka sa tukso, tiyak magugustuhan mo.
ang labo talaga ng mundo. mabigyan ka ng pagkakataon, tiyak susunggabin mo.

may sistema ang mundo na napakahirap lampasan. kahit anong gawin mo, hindi ka tatantanan.
ang pangit pero ito yung totoo. wala tayong magagawa kung hindi sumunod sa naaalin sa mundo.
kaya may Diyos, para may gabay. at hindi ikaw iyon, kung ikaw ang Diyos, baka masyadong pakawala naman yun. parang nawalan ng layunin ang buhay mo kung ikaw man Siya.

maraming paniniwala. ngunit isa lang ang aking pinapaniwalaan. hindi man ako direktang di-sumasang-ayon sa mga iba. sa dahlinanan na gusto ko rin silang maunawaan. pero alam ko kung saan ang pananampalataya ko.

sa kaguluhan na nararanasan nating lahat.
hindi maaalis na bawat masayang araw ay may katumbas na lungkot.
hindi man ito mabigyan ng lunas ngayon o bukas.
magpapatuloy pa rin ang ikot ng mundo.
sa bawat pag ikot ay may naidadalang bagong pag-asa.

Friday, September 16, 2005

Mga Wala Lang sa Hangin

hmm... kailan ka huling umiyak?

kailan ka huling tumawa?

kailan ka huling nag-isip?

mahirap ba?...

parang nakaligtaan ko na ang halaga..

nakaka-umay...

antok na ko.. hehe

Monday, September 12, 2005

Whatever Happened to Today?

... now it all seems that everything just passed me by...

katamad walang magawa. may assignment pero medyo tinatamad gumawa.

ang tanda ko na.. nag aaral pa rin ako. minsan natanong kung may katuturan ba itong buhay ko sa mundong ginagalawan ko..

sabagay.. kung wala naman, sana matagal na akong nawala sa mundo.

pero nandito ako e.

seryoso na..

Thursday, September 08, 2005

another one on them blogs...

it's another one of them blogs.

well...

be posting at a later time..

right now I'm still a lazy-ass man.